Thursday, January 17, 2013

Enchanted Farm Cafe

UPDATE! 
Tingnan sa baba ng unang entry...
Wala pa ulit akong makainan sa Batangas. Ta muna sa Commonwealth.


Ikaw ga ay mahilig kumain? Gusto mong makatimos ng kakaibang pagkain? Ay siya'y punta na dine sa Enchanted Farm Cafe bago sumapit ang Feria Rd. sa Commonwealth. Taas iyon ng Human Nature. 

Hindi talaga ako mahilig sa burgers pero natakam ako sa burger nila kaya sinubukan ko. 

Enchanted burger ang tawag - 30% baboy at 70% gulay - na may kasamang kamote fries at side salad ang aking inorder sa halagang P130. 

Sa Human Nature store ko kinain para may libre na ring kape (haha mahirap maging pooritang adik sa kape). Ang una kong tinikman ay 'yung kamote fries. Ay anu gang pagkakasarap ng sawsawan noon. Buti't napigilan ko ang aking sariling ubusin agad 'yun at naisipan kong litratuhan ang aking pagkain.



Enchanted Burger at ang libreng unli kape sa Human Nature :3


Noon pa'y mahilig na ako sa kamote. Nabili nga ako sa Lawas at Plaza ng tigsasampu. Ayong mga 'yon, matatamis. 'Yung sa Mang Inasal sinubukan ko rin. Masarap din 'yun lalo na pag sawsaw sa ketchup nila, kaso sobrang bigat. Pero itong kamote fries ng Enchanted Farm, sa sawsawan talaga ibinuhos ang sarap. Para siyang mayo na may pampaalat na 'di ko mawari ang inilagay. Ayos din ang pagkakahati sa kamote dahil maninipis; hindi nakasasawa. [Kahit sa sunod kong kain duon ay 'yun na laang, solb na.]


Pagkatapos kong lantakan ang kamote ay 'yung burger na ang aking isinunod. Sa unang tikim ay nakakatuwa rin ang lasa. Hindi ko nalasahan ang gulay sa patty. Pero kalauna'y kaalat na. Pwedeng iulam sa kanin, o ipulutan. At dahil kay tira pang sawsawan 'yung kamote, pinunit ko ang tinapay sa burger ay isinawsaw sa mayo hanggang maubos. Kasarap. Isinabay ko na ang salad sa burger para pampabalanse ng alat. 

Ilang beses ko nang natikman ang salad nila, pero hanggang ngayo'y 'di ko pa rin matuklas kung ano 'yung oil na nilalagay nila. Matam-is-tam-is na parang may 'hint' na maasim. Pag kinakain ko ang side salad na iyon, feeling ko lagi'y ang sustansya ng kinakain ko. 

Sa kabuuan ay natuwa ako sa aking kinain. Ramdam ko'y sulit naman. 

Gusto ko namang subukan sa sunod 'yung all veggie burger nila. 
Sa uulitin, Enchanted Farm Cafe!


UPDATE!
Bumisita ulit ako sa Enchanted Farm Cafe at kumain ng kanilang pesto. :)


NOM.
Mula sa manamis-namis na tinapay hanggang sa tamang alat ng keso, lahat ng sangkap ay perpekto para sa putaheng ito. Ang karneng manok ang nagsisilbing pantanggal-umay sa pasta. Dinadagdagan naman ng keso ang kabuuang lasa nito. At kung nauumay na sa alat ay nandiyan ang tinapay. Perpekto. :3



No comments:

Post a Comment